Pinatibay ng librong ito ang aking paniniwala sa kakayahan ng mga kabataan na mag-ambag sa paghubog ng pambansang kamalayan. Pinalutang ng may-akda ang kahalagahan ng mapanuring pagtanaw sa angking kulturang kayamanan at kakaibang kakayahan. Patunay ito sa karunungang ipinamana ng ating mga ninuno. Bata man o may ilang taong gulang na, kaya nating aralin ang sinaunang paraan ng pagsulat at pagbasa na siyang nagpapakinang sa "identity" ng ating lahi. Nawa'y mahikayat ang maraming kababayan na matutong mag-Baybayin. Kunin natin ang pagkakataong ito na ipamalas sa buong daigdig na may taglay tayong sariling kaalaman.
--Alleli Ester C. Domingo
Associate Professor, UP Los Banos
Institute of Mathematical Sciences and Physics
2019
132 pages
Paperback