Modernisadong edisyon ito ng Florante at Laura alinsunod sa binagong palabaybayan sa wikang Filipino bagaman masikhay na iginagalang ang orihinal na pagtula ni Balagtas. Nakabatay ang pagbabago's modenisasyon sa masinop na pagsusuri ng buhay pang teksto ng Florante at Laura na inilimbag noong ikalabinsiyam na dantaon--ang edisyong 1861 at edisyong 1875--gayundin ang sulat-kamay na edisyon ni Apolinario Mabini na hinihinuhang nakabatay rin sa isang edisyong limbag noong ikalabinsiyam na siglo. Paraan ito upang maiwasan ang naganap at laganap na kamalian at arbitraryong pagbabago ng mga naging "editor" ng awit nitong ikadalawmpung siglo.
2003
156 pages
Newsprint/Paperback