"Bilang isang organisasyong karamihan na sa mga kasapi ay mga Gen Z, marapat lamang na mag-alay kami ng isang pagpupugay kay Prop. Xiao. Bahagi siya ng paghulma sa isang henerasyon. Mga Batang Xiao Time!
"Nabanggit na rin ang kabataan: napapanahon ang paglabas ng aklat dahil kaalinsabay nito ang pagdiriwang sa ika-50 guning taon ng kapanganakan ng mga kabataang bayaning sina Gregoria de Jesus, Emilio Jacinto, at Gregorio del Pilat as obserbasyon sa Taon ng Kabataang Pilipino sa kasaysayan (2025) sa ilalim ng Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas 1933-2033. Maging dalisay na handog nawa ang mga pahina ng aklat na ito sa taon ng pagdakila sa kanilang kabayanihan at gunita. Kaya tiwala kami na kung paanong tinangkilik ng publiko ang Xiao Time noon ay bubuksan din ng aklat na ito ang interes ng maraming Pilipino, lalo na ng mga kabataan, sa ating kasaysayan."
--Mula sa Paunang Salita ni Bryan Ferrer
Patnugot tagapagpaganap, Project Saysay Inc.